• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/34

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

34 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Ano ang wika?

Wika ang pinakamahalagan kasangkapan ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan. Wika ang nagsisilbing susi ng bawat Tao upang magkaunawaan.

Explain: Ang wika ay binubuo ng tunog

Nalilikha ang nga tunog pangwika gamit ang bibig, labi, dila at iba pa. Sinasalita ng tao ang wika at pinagaaralan ang wastong bigkas ng mga tunog nito.

Explain: Ang wika ay may sistema

Binubuo ang wika ng magkaugnay na bahagi na maaring sa anyo o kahulugan. Tinutukoy ang anyo sa magkakaugnay na sistema ng mga tunog, pagbuo ng salita at kaayusan ng mga ito sa pangungusap. Ang mga pangungusap ay pinagsama-sama para makaubo ng isang diskurso.

Explain: ang wika ay arbitraryo


Ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal at gramatikal na istruktura na natatangi sa ibang wika. Ang nabuong salita at kahulugan nito ay pinagkakasunduan ng mga taong kasama sa isang kultura.

Ang wika ay pantao

Naililipat ang isang kultura ng mga tao gamit ang kanilang wika. Natututo ang isang indibidwal ang wika ng kanyang pamayanan

Ang wika ay para sa pakikipagtalastasan

Ginagamit ang wika para sa pakikipagtalastasan sa isang tao, pangkat ng tao sa ibat ibang pagkakataon.

Ayon kay HENRY ALLAN GLEASON, isang Amerikanong lingguwista, ang wika ay...

Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isininasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng tao para sa pakikipagtalastasan.

Ang wika ay buhay at dinamiko

Makakaranas ang wika ng pagbabago dahil into ay buhay, malikhain, and inobatibo. Kasabay ng panahon, nagbabago rin ang wika.

Ang wika ay nakabatay sa kultura

Magkaugnay ang wika at kultura. Nilalaman ng kultura ang sining, panitikan, kaugalian at paniniwala ng mamamayan. Wika naman ang nagpapahayag ng mga ito.

Ayon kay Peter Trudgill, ang wika ay

Hindi basta pakikipagtalastasan at pagbibigay ng impormasyon, bagkus ito ay napakahalaga sa pagpapanatili ng ugnayan ng tao.

Ayon kay Christopher Brumfit, ang wika ay..

Ang mga tungkulin at gampanin ng wika ay tumutukoy sa kung ano ang ginagawa ng nagsasalita sa kanyang wika.

Sino ang nagbigay ng mga tungkulin ng wika at sa anong libro niya ito inilahad?

M.A.K Halliday- Explorations on the Functions of Language

Ano ang pitong tungkulin at gampanin ng wika?

1. Instrumental


2. Regulatori


3. Interaksyunal


4. Personal


5. Imahinatibo


6. Heuristiko


7. Impormatibo

Instrumental

Tumutugon ang wika sa pangangailangan ng isang gawain tulad ng pakikipag usap sa iba, lalo na kung may mga tanong na kailangang sagutin, patalastas tungkol sa gamit, paggawa ng isang liham, at iba pa.

Regulatori

Paggabay o pagkontrol ito sa kilos ng isang tao. Halimbawa: pagturo ng direksyon, dosage ng gamot, paggawa ng isang bagay

Interaksyunal

Ito ang paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pagkekwento, pagpapasalamat at paghingi ng paumanhin.

Personal

Nagbabahagi ng sariling damdamin. Kasama rin dito ang pagsulat sa talaarawan at journal.

Imahinatibo

Tumutukoy ito sa malikhaing paggamit ng wika sa paraang pasalita at patula.

Heuristiko

Sa pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong, pagsasagawa ng sarbey, pagbabasa ng pahayagan at pagsasaliksik nagagampanan ng wika ang tungkulin nitong heuristiko

Impormatibo

Ang impormatibong tungkulin ng wika ay para sa pagsisiwalat( pag-kakalat) ng datos at kaalaman. halimbawa: paguulat, pagbibigay ng lektura at pagtuturo

Ano ang anim na teoryang ukol sa pinagmulan ng wika? ipaliwanag ang mga ito.

1. Teoryang bow-wow- Nagmula ang wika sa paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan.


2. Teoryang ding-dong- nagmula sa mga gamit na likha ng tao


3. Teoryang pooh-pooh- galing sa mga sinasalita ng tao dahil sa matinding emosyon. Hindi sinadadyang napabulalas


4. Teoryang yo-he-ho- Nabuo ang wika dahil sa nasasambit ng tao tuwing nagbibigay siya ng pwersang pisikal.


5. Teoryang tarara-boom-de-ay- Nabuo ang wika mula sa pagsigaw, pagtili at pagusal ng mga pangkat ng sinaunang tao sa kanilang mga sayaw at ritual sa pagsamba sa kanilang mga Diyos.


6. Teoryang Tore ng Babel


- Nais ng mga taong magtayo ng tore upang maabot ang kinalalagyan ng panginoon. Nagalit si Yahweh kaya pinaghiwahiwalay niya ang mga wika ng tao upang magkawatak watak sila.

Ayon kay Joshua Fishman, ang wika ay

ang wika ay heterogeneous dahil sa magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aral at iba pa.

Barayti

Ang tawag sa isang wikang nagtataglay ng mga katangiang katangi tangi sa iba pang wika.

Baryason

Ang mga tawag sa mga ito kung ihahambing sa iba pang wika

Idiolect

Ito ang paraan ng paggamit ng wika ng isang tao. Pampersonal na gamit ito na natatangi sa indibidwal batay sa kanyang mga karanasan.

Dialect

Tumutukoy ang dialect sa isang wikang ginagamit sa isang lugar (heograpikal), panahon(temporal) at katayuan sa buhay (sosyal).

Sociolect

Nakatuon ito sa wikang ginagamit ayon sa katayuan ng buhay, natamong edukasyon, edad, kasarian at iba pa. Mapapansin magkaiba ang wikang ginagamit sa bahay, simbahan

Ano ang dalawang kategorya ng sociolect ?

1. Impormal


2. pormal

Ano ang mga nakapaloob sa impormal na sociolect? at ipaliwanag


1. Balbal- ito ang tinutiring na pinakamababang antas ng wika. Salitang kalye. Pauso. Sumusulpot sa isang panahon at pagkatapos ay matitigil


2. Kolokyal- Mga salitang madaling maintindihan at ginagamit sa pang-araw na paguusap.


3. Lalawiganin- Mga wikang ginagamit sa mga lalawigan o mga malayo sa sentro ng bansa

ANO ANG MGA KABILANG SA PORMAL NA SOCIOLECT?

*Pambansa: Ito ang mga salitang higit na ginagamit sa kalakalan, edukasyon at pamahalaan.


*Pampanitikan- Pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit sa anyong pampanitikan tulad ng tula, maikling kwento


nobela, sanaysay at iba pa.

Register

Espesyalisadong gamit ng wika

Jargon

tawag sa mga salita/termino na nasa isang register.

Ayon kay Sibayan,

ang mga larangan o disiplina ay nakapaloob sa controlling domains of language

Ano ang tatlong uri ng controlling domains of language? Ipaliwanag ang mga ito.

1. Non-controlling domain- Ang wikang ginagamit lamang sa bahay at sa pamayanan. Hindi kailanganang marunong magsulat.


2. Semi-controlling - Hindi gaano kahigpit ngunit kailangan marunong sumulat ang gumagamit nito. Ang ganitong register ay ginagamit sa relihiyon, entertainment at showbiz.


3. Controlling domain- Tiyak ang paggamit ng wika dahil nakapaloob dito ang mga larangang akademiko at propesyon.