Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
17 Cards in this Set
- Front
- Back
Retorika
|
Ayon kay Cicero, ito ay pagpapahayag na dinisenyo upang makapanghikayat. Ayon naman kay Plato, ito ay isang sining ng positibong pananaw sa pamamagitan ng diskurso. Ayon kay Quintillan, ito ay sining ng mahusay na pagsasalita. Ayon kay Francis Bacon, Tungkulin ito na mai-apply ang katwiran sa imahinasyon para sa higit na mabuting pagkilos ng disposisyon. Ayon kay Phillip Johnson, ito ay sining ng pagbabalangkas ng argumento upang mapahalagahan ang mga mambabasa at tagapakinig. Ayon kay Douglas Ehninger, ito ay isang disiplinang nakatuon sa pag-aaral ng lahat ng mga paraang ginagamit ng tao upang makaimpluwensya ng pag-iisip at gawi ng iba sa pamamagitan ng maparaang na paggamit ng simbolo. At ayon naman kay Sebastian noong 1967, Isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat.
|
|
Retorika bilang Sining
|
1. Kooperatibang Sining
2. Pantaong Sining 3. Temporal na Sining 4. Limitadong Sining 5. May-kabiguang Sining 6. Nagsusupling na Sining |
|
Saklaw ng Retorika
|
1. Wika
2. Sining 3. Pilosopiya 4. Lipunan 5. Iba pang larangan |
|
Mga Gampanin ng Retorika
|
1. Nagbibigay-daan sa komunikasyon
2. Nagdidistrak 3. Nagpapalawak ng pananaw 4. Nagbibigay-ngalan 5. Nagbibigay-kapangyarihan |
|
Nang at Na
|
Ang nang ay ipinapalit sa noong, ginagamit din ito bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay, nagmula ito sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito at ito ay ginagamit sa dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. Ang ng naman ay ginamit sa pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat, ito rin ay pananda ng aktor o pandiwa sa tinig balintiyak at ito rin ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
|
|
Kung at kong
|
Ang kung ay pangatnig na panubali at ginagamit sa karaniwan sa hugnayang pangungusap kung kaya't ito'y matatawag ding pangatnig na panghugnayan. Ang kong naman ay nanggaling sa panghalip na ko at inaangkupan lamang ng ng.
|
|
May at mayroon
|
Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao habang ang mayroon naman ay sinusundan ng kataga, ginagamit sa panagot sa tanong at kung nangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.
|
|
Subukin at subukan
|
Ang subukin ay nangangahulugan ng isang pagsasagawa ng isang bagay sa ayos na kalagayan at ito ay inuuri sa tao, anyo at bagay habang ang subukan naman ay nangahulugan ng pag-espiya sa isang tao kung ano ba ang kinikilos nito.
|
|
Daw at Din/Raw at Rin
|
Raw at Rin ay ginagamit sa patinig at letrang w at y habang ang Daw at Din ay ginagamit sa katinig maliban sa w at y.
|
|
Punasin at Punasan
|
Ang punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal habang ang punasan ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
|
|
Operahin at Operahan
|
Ang operahin ay tiyak na bahaging tinitistis habang ang operahan naman ay ang tao hindi ang bahagi ng katawan.
|
|
Pinto at Pintuan
|
Ang pinto ay bahagi ng daanan na sinasara at binubuksan habang ang pintuan naman ay kinalalagyan ng pinto.
|
|
Kung 'di , Kungdi at Kundi
|
Ang Kung 'di ay pinaikling kung hindi, ang kungdi ay di dapat gamitin kasi walang salitang ganito at kundi ay kolokyalismo ng salitang kung 'di.
|
|
Denotasyon
|
Ito ay kahulugang karaniwang nakukuha sa talasalitaan. Ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan at ito ay ginagamit sa karaniwan at simpleng pagpapahayag.
|
|
Konotasyon
|
Ang konotasyon ay pagpapakahulugang iba kaysa sa pangkaraniwang pakahulugan. Ito ay maaaring isang pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat liban sa iginigiit ng panahon.
|
|
Pahirin at Pahiran
|
Ang pahirin ay nangahulugan ng pagbubura, pag-aalis at paglilinis ng isang bagay habang ang pahiran ay paglalapat, pagpapairal at paglalagay ng isang bagay sa isang lugar.
|
|
Sundin at Sundan
|
Ang sundin ay pagsunod o pag-unawa sa isang utos o kagustuhan at maaaring maging batas o panuto habang ang sundan ay panggagaya sa ginawa o kilos ng isa o higit pang tao.
|