Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
31 Cards in this Set
- Front
- Back
- 3rd side (hint)
Don Crisostomo Magsalin Ibarra |
Binatang nagaaral sa Europa na nangangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan sa San Diego. Siya ang sagisag ng mga Pilipinong nakapag aral na may maituring na may maunlad at makabagong kaisipan. |
Kababata at kasintahan ni Maria Clara |
|
Maria Clara delos Santos |
Kumakatawan sa isang uri ng Pilipinong lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasaling sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat ngunit may matatag na loob |
Kasintahan ni Crisostomo Ibarra |
|
Elias |
Tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin sa mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, iniisip niya ang kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob. |
Siya ay isang piloto/bangkero |
|
Pilosospo Tasyo |
Taglay niya ang katangian ni Rizal na maoagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami. |
Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapagpayo ng marunong na mamamayan ng San Diego. |
|
Padre Damaso |
Nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ay isang taong madali mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmula sa puso ng nagpaparangal |
Isang kirang Pransiskano na dating kura ng San Diego |
|
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos |
Isang mayamang mangangalakal na taga Binondo siya ay isang taong mapagpapangap at laging masunurin sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi salapi. |
Asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. |
|
Don Rafael Ibarra |
Siya ay labis na kinaingotan ni padre damaso dahil sa yaman na kanyang itinaglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe bg pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarangan para sa kapwa. Kahanga hanga ang kanyang paggalang at paniniwala sa batas at ang pagkamunghi sa mga paglabag nito. |
Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilanguan. |
|
Sisa |
Isang inag walang nalalaman kundi umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapasakit alang alang sa mga minamahal na anak. |
Ang mapag mahal na ina ni Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. |
|
Padre Bernardo Salvi |
Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego. |
|
|
Padre Hernando Sibyla |
Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra. |
|
|
Basilio |
Isang sakristan at tagatunog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan. |
Nakakatandang anak ni Sisa. |
|
Crispin |
Isa ring sakristan at kasama ring tumugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego |
Bunsong kapatid ni Basilio. |
|
Alperes |
Mahigpit na kaaway ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. |
Siya ang pinuno ng mga gwardiya sibil. |
|
Donya Concolacion |
Isang labandera na malaswa kung magsalita na naging asawa ng Alperes |
|
|
Donya Victorina de Espadaña |
Nagpapangap bilang isang mistisang Espanyol. Mahilig rin siya magsalita ng kastila bagama't ito ay laging mali. |
Isang babaeng punong puno ng kolorete sa mukha. |
|
Don Tiburcio de Espadaña |
Siya ay pilay at bumgal na kastilang nakarating sa pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa niya si Donya Victoriana. |
Siya ay taong maitutiring na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo. |
|
Alfonso Linares |
Binatang napili ni Padre Damasona maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Triburcio |
|
|
Tiya Isabel |
Siya ay hipag ni kapitan Tiago na nagaalaga kay Maria Clara simula nang siya ay sangol pa lamang. |
|
|
Donya Pia Alba delos Santos |
Siya ay ina ni Maria Clara sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nanganak. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara. |
|
|
Tenyente Guevarra |
Isa sa matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama. |
|
|
Tenyente Guevarra |
Isa sa matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama. |
|
|
Kapitan Heneral |
Ang pinaka makapangyarihang opisyal at kinakatawan ng hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado. |
|
|
Kapitan Basilio |
Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. |
|
|
Don Filipo Lino |
Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Piliospo Tasyo st asawa ni Donya Teodora Vina. Siya at mahilig magbasa ng latin. Siya |
|
|
Lucas |
Isang Indo na kapatid ng isang tauhang namatay sa pagbagsank ng kabiriya sa ipinapatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay humingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pagtaboy sakanya malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan. |
|
|
Don Saturnino Ibarra |
Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang nagingdahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias. |
|
|
Don Pedro Ibarra |
Nuno ni Crisistomo Ibarra. |
|
|
Kapitana Maria |
Tanging babaeng makabayan na pumapanig sa pagtanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. |
|
|
Nol Juan |
Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa paggagawa ng kanyang paaralan. |
|
|
Kapitan Pablo |
Siya ang mga pinuno ng tulisan at itinuring na ama ni Elias. |
|
|
Solome |
Siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias. |
|