Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
20 Cards in this Set
- Front
- Back
Ito ay mga pahayag na ginagamit upang bigyan-diin ang isang kaisipan o damdamin. |
Tayutay |
|
“SIMILI” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang paghahambing ng dalawang kaisipan gamit ang mga katagang tulad ng, paris ng, animo’y, kawangis, tila, sing, sim, magkasing at iba pa. |
Pagtutulad |
|
“METAPORA” ang ibang katawagan dito. Ito ay tuwirang paghahambing ng dalawang kaisipan. Hindi na ito ginagamitan ng mga pangatnig. |
Pagwawangis |
|
“PERSONIPIKASYON” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang paglalapat ng kilos ng tao sa mga bagay na walang buhay. |
Pagsasatao |
|
“HAYPERBOLI” ang ibang katawagan dito. Ito ang lubhang pagpapakulang o pagpapasidhi sa isang karaniwang imahe. |
Pagmamalabis |
|
“SARCASM” ang ibang katawagan dito. Kabaligtaran ang estilo ng pagpapakahulugan nito. Layunin nitong pumuna nang hindi nahahalata. |
Pag-uyam |
|
“SINEKDOKI” ang ibang katawagan dito. Ito ang pagbanggit ng bahagi bilang kabuuan. |
Pagpapalit-saklaw |
|
“METONIMI” ang ibang katawagan dito. Ito ang pagpapalit ng katawagan sa isang imahe o paksa. |
Pagpapalit tawag |
|
“ONOMATOPEA” ang ibang katawagan dito. Ang tunog ay siya nitong kahulugan. |
Paghimig |
|
“APOSTROPI” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang pagtawag o pagkausap sa sinuman o anuman na waring kaharap ito kahit hindi naman. |
Pagtawag |
|
“PARADOX” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang paglalahad ng magkasalungat na kaisipan ngunit ang kabuuan ay makatotohanan. |
Kabalintunaan |
|
“EUPEMISMO” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga salitang nagpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita. |
Paglumanay |
|
Ito ay isang uri ng tanong na hindi naman kailangan ng sagot. Ang layunin nito ay maikintal sa isipan ng mga tagapakinig ang mensaheng nais iparating. |
Tanong retoriko |
|
“OKSIMORON” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga nagsasalungatang salitang pinag-uugnay upang makabuo ng makabuluhang pahayag. |
Pagtatambis |
|
“TRANSFERRED EPHITET” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga pang-uri upang bigyang buhay ang mga bagay. |
Pagpapalit wika |
|
“IRONYA” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga salungatang sitwasyon upang mas maging kaakit-akit ang pahayag. |
Parikala |
|
Ito ay isang uri ng pananalita o pagsasalaysay kung saan ang mga salita o imahe ay may mas malalim na kahulugan. |
Talinghaga |
|
Ang paggamit ng nito ay pagkakaroon ng tinatawag na "alter ego" ay maaaring dagdagan ang damdamin at kahulugan ng tula. |
Persona |
|
Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugmaan ay ang pagkakaroon ng parehong tunog ng huling pantig sa dalawang linya. |
Sukat at tugmaan |
|
Ito ay maaaring magbigay-buhay sa damdamin o konsepto na nais iparating ng makata. |
Imahinasyon |